Monday, September 19, 2005

Auction, total disaster

Hay naku, nag-init lang ang ulo ko sa opisina. Punyeta kasing management yan, bulok ang sistema. May bidding daw ngayon sa office, bidding for prices because of commission.. Ito ang buod ng istorya.

Two months ago, they launched a project wherein you will earn points for selling a phone. Bottom line is, the more phones you sell, the more points you have. Those points will be converted to dollars play money that you can use in auction. There are a lot of prices, karamihan puro pang-conyo (Oakley products, magic cam, DKNY watches and perfumes, Body Shop items, Nike suffs, mini ipod, Magic Sing, celphones with different models at kung anu-ano pang mga bago at mahal). Eto naman kami, sige benta to the max.

Dumating ang auction day, ngayon yun! Kanina sa second floor ng building namin. Puyat ako pero hinantay namin mag-alas diyes para abangan ang "pagbitay" sa mga play money na hawak namin. Dapat alas-otso pa lang, uwian na pero nag-iisip at nagpa-plano kami kung anong item sa mga naka-display sa istante ang dapat namin makuha at gustong maiuwi.

Duamting ang oras ng "auction" na sinasabi nila. Late pa nga nagsimula kasi marami pang inaantay na "matataas na pinuno" sa kumpanya namin. Yung mga pinuno, supervisor, manager at admin na may pakana nang "laro" na yan. Nag-antay kami nang may buong pasensya, lagi namang ganun, nasanay na kami. Excited kami, kasi nga naka-plano na kung anong diskarte ang gagawin. Tumayo ako kasama ng mga teammates ko at nang iba pang mga empleyado. At nagsimula na nga ang gera..

Yung baklang emcee, may hawak na "Harry Potter" book sabay sabi, "Okay guys, we are starting the auction with this Harry Potter book. The bid starts at $100. "Ano raw?", tanong ng katabi ko. Sabi ko, "$100 daw, dude". "Ang taas naman kaagad. Just to give you an idea, $10 equals to one phone sold. Di nagtagal, nabenta ang libro ni J.K. Rowling sa $500.

"Tsong, bad news, mababawasan pa daw yung dollars pag may de-act(returned phone - siguro nagbago yung isip nung pinagbentahan kaya binalik) ka.", sabi sa kin ng teammate kong pinakamagaling magbenta sa center namin.
"Bakit ngayon lang nila sinabi? Unfair naman yun. Di mo na kasalanan kung binalik ng customer." ,sabi namin - lahat kanya-kanyang react.

"Bakit ganun?",
"Ano kaya yun?",
"Nakakainis."

Ilan lang yan sa mga narinig kong tinuran ng mga kasama ko. May bakla na namang nagsasalita sa background. Ngayon Nike bag naman ang nasa auction. "150", "200", "250"......"500" "500 for this Nike bag. Going once, going twice.. Sold for 500 dollars", sabi nung emcee.

Ngayon, pumunta yung lalaking nag-bid ng 500, the management verified his points. Okay, swak! Umuwi na yung lalaki pagkatapos makuha yung Nike bag. Sumunod Body Shop items, magulo na. Kanya-kanyang bid..pataasan. Kung sino mas mataas, sya ang nakakakuha. May isang babae, nag-bid ng 545 sa isang Body Shop item. "Sold", sabi ulit nung bading na emcee (supervisor nga pala siya, nakalimutan kong sabihin). Tapos tumayo na ang miss, kukunin na yung item.

Tapos biglang sabi nung bakla, "There's another bidder for 560".
"Tang-ina, ano raw? Akala ko ba sold na?", sabi nung katabi ko.
"Ewan ko ba dyan sa mga yan, ang gulu-gulo", sagot ko.
"Its already sold", sigaw nung isang lalaki sa may bandang likod.
"Touch move", sabi naman nung mga nasa harap.
"When its sold, its sold", sigaw ko"
"Oo nga", sabi nung isa ko pang katabi.
"Ano ba naman yan, umayos nga kayo. Sold na nga tapos may humahabol pa, yung emcee naman, sige tanggap pa rin at announce eh sold na nga! Nakakainis, wala kayong sistema, para kayong gobyerno", dagdag ko.

Di ko na alam kung sino nakakuha nung item kasi kausap ko na yung mga teammates ko nun. Lumapit yung pinakamagaling magbenta.

"'Tol, nabawasan ako ng 800 points dahil daw sa deactivation ko", balita nya sa amin.
"AMF", sabi nung bestfriend nya sa office.
"Nakakaasar nga eh, sana inayos muna nila. Kung kailan, bidding na saka pa ganyan", sagot nya.

"Okay, this celphone will be next. Bidding starts at 200. Maingay ulit. Kanya-kanyang bid.

"Go, Veejay", sabi namain dun sa isa naming teammate. He got the bid for "560". Pagpunta nya sa management, maya-maya, binabalik yung phone sa auction area. Kulang daw yung points nya kasi may de-activation sya.

"Tang-ina, pare, sayang yun ah", sabi ni Vina.
"Oo nga eh", sumbat ni Veejay.
"Ano ba yan, nakakawalng gana na kasi ang gulo nila", sabi nung isa.
"Hay naku, umuwi na nga lang tayo, walang kwenta", aya ni Jess.

***Nakakaasar talaga. Walang sistema, bulok! Saan ka nakakita, sold na binebenta pa. Naaalala ko tuloy yung Tita kong naghahabol sa lupa nila kasi nabenta na sa kanila, binenta din sa iba. Dalawa yung titulo, dalawa silang may-ari, pero sya yung pinalayas. Magulo, madumi, di makatao.

Naisip ko tuloy, para akong nasa Kongreso kanina. Bidding.. bidding ng kanya-kanyang kuro, kanya-kanyang paniniwala. Kung sino mas magaling(mas magaling mandaya, mangurakot at manlamang ng kapwa), siya yung bida. Sila yung panalo. Walang sistema. KAtulad na alng nung manager namin, nasa kanya ang budget para sa lahat ng pinaghirapan namin. Nasa kanya ang dapat na napupunta sa amin, tinipid kami kaya yun, nagpa-auction. The rest of the money goes into her pocket. Two months ago lang, may bago syang kotse. Ano naman kaya ang susunod nyang bibilhin?

Kahit saan ako tumingin ngayon, puro pang-aabuso nakikita ko. Pang-aabuso sa kapangyarihang hawak-hawak nila, pare-parehong gahaman sa pera at pwesto. Naasar lang ako sa auction, sampu ng mga kasama ko sa trabaho. Parang isang laro.. Akala ng mga umuwing may dala at bitbit na price, sila ang panalo pero kung tutuusin, kulang pa yun. Kulang pa yun sa mga ginawa at tinarabaho naming pare-pareho. Akala lang nilang panalo, pero ang totoo, lahat kami talo..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home