Adik ka rin ba?
"adik"
naging expression ko na ang salitang nakasulat sa taas. kung bakit, di ko alam.
paano mo nga ba masasabing adik ang isang tao? kasama ba dito yung mga mukhang adik na kulay pula ang mata, humpak ang pisngi kasama ang mga tambay na iniisip mong adik sa lugar nyo? siguro, nagbibilang ka na rin ng mga kakilala mong inaakala mong adik at alam mo na talagang adik.
sa totoo lang, maraming klase ng adik sa mundo. hindi lang sila yung mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot sa kanta ni Willie Garte. hindi lang din sila yung mga pinatapon sa loob ng rehabilitation center sa labas at loob ng bansa. pag mahirap ka, malamang di kaya ng pamilya mong ipasok ka pa sa center pero kung ikukulong ka lang din naman, asahan mo sa malayo at tagong lugar ka mapadpad, siguro sa probinsya, yung malayo sa kabihasnan. pero kung nabibilang ka sa mga high profile ng lipunan, malamang sa ibang bansa ka mapunta.
sino ba ang totoong adik? sila bang mga tumatakas sa problemang akala nila wala nang lusot? yung tipong, naglalakad ka lang tapos biglang, opppppssss... dead end. sorry ka na lang, dude. gusto mong tumakas, tumakbo, magtago? maging adik ka at sumama sa piling ng mga anghel, kung saan akala mo dadalhin ka sa langit na pinapangarap mo.
akala mo, okay na lahat. akala mo, wala na, tapos na.
oo nga, akala mo lang yun, ang di mo alam, mas maraming problema ang naghihintay sa yo pagbalik mo sa impyernong pilit mong tinatakasan.. mas nag-aapoy, mas nagliliyab...
kahit ano pa man yang kinaka-adikan mo ngayon (lahat ng bagay na ginagawa mo upang iwanan ang tadhana at mundong mapaglaro), di ka nag-iisa.
kasi adik din ako.. adik sa pagtakbo.. sa pagtakas..
adik sa kung anu-anong mga bagay, tulad na lang nitong blog ko.. adik sa musika, adik sa laro, adik sa net at telepono, adik sa gala.. adik sa mga bagay para lang di maisip ang sitwasyong sumisira sa pagkatao ko, sa paniniwala ko, sa responsibilidad ko.
saan mo dadalhin ang mga katulad ko?
ang mga katulad kong naliligaw, mga katulad kong malapit nang mapugot ang hibla ng pag-asa? mga katulad kong di alam kung may kinabukasan pang aabutan..
may rehabilitation center ba kong matatakbuhan? may batas ba at hustisyang magtutuwid sa pagtakas at ka-adikan kong ginawa? ano ang kapalit? nasirang buhay?
mababaw..
mababaw and dahilan,
walang kasing babaw ang problema,
pero akala ko, katapusan na, nagkamali ako nang akala.
sa bandang huli, ako rin ang tumapos sa nalalabi kong hininga.
3 Comments:
hey, don't fret.
sabi mo nga, marami tayong adik dito sa mundo, kaya marami kang karamay at nandito kaming kapwa adik para sa 'yo.
thanks malaya..
Happy Chinese New Year!
I have to stay positive and still hope, di ba?
thanks dude
kanya-kanyang adiksiyon lang yan! hehehehehe
Post a Comment
<< Home