Friday, March 31, 2006

biglang umulan


Summer ngayon, mainit, panahon ng pagpunta sa mga beach at panahon ng outing. tapos biglang umulan.. so what's the big deal about that? nothing, right? i mean, its summer but it doesn't necessarily mean that raining is imposibble.

Hmmm..im was thinking on my way here to the office that my lovelife right now depicts summer season. sabi nga nila, tagtuyot. biglang umulan, panandaliang lamig ang dulot sa napaka-init na panahon. siguro nga, summer ngayon ng buhay ko pero nang biglang umulan, naisip ko, pwede pa rin sigurong akong tamaan ulit ng pana ni Kupido. at kahit tapos na ang Valentine's day, pwede pa ring humabol.

Nababasa ang mga daan, kasama ng paglamig ng panahon ay ang pag-asang muling tumibok ang puso ko na matatagal nang naghihingalo. hindi ko alam kung hanggang kailan uulan. darating ang araw, matutuyo rin ang basa sa daan at muling iinit pero ang mahalaga, umulan pa rin. parang nakikisama ang langit, pinapaalalang darating din ang tag-ulan. sinasabing posible pa ring mangyari ang mga bagay na hindi napapanahon. parang "love", darating na lang bigla. walang pinipiling oras, walang pinipiling "weather". magugulat ka na lang, nandyan na. pero dahil nasa utak mo na "summer" nga, di mo papansinin ang ulan. di mo papansinin ang mga patak na dapat bumasa sa katawan mo. sa halip, kukuha ka ng payong para protektahan ang sarili mo, para di ka mabasa.. siguro dahil takot kang magkaron ng sakit o dahil may pupuntahan ka o dahil ayaw mo lang talagang mabasa.

Bukas makalawa, tuyo na naman ang mga daan. kung gagamit ka man ng payong ulit, hindi na para iwasan ang tubig galing sa kalawakan kundi para hindi ka masunog sa matinding init ng araw...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home