hanggang dito na lang
Ano nga ba ang papel mo sa buhay ko?
Dumating ka, binihag ang aliw at lungkot
Kasama ko sa lahat ng pagkakataong ako'y bigo
Pumawi ng lahat ng aking pagkabato at pagkabagnot.
Walang magawa, ako ay napabuntong-hininga
Tanong sa sarili, hanggang kailan ka makakasama?
Ngayon sasabihin, matagal na kitang gustong iwan
Siguro alam mo na rin kung ano ang dahilan.
Kagaya ka rin ng iba, maglalaho, mawawala..
Pagkatapos ng sandaling ligaya, nasan ka na?
Pagkatapos ng panandaliang pag-aaliw mo
Saan na ngayon pupulutin ang sugatan kong puso?
Di ko ng alam kung bakit hinanap pa kita
Sabi nila, wag ko na lang daw naisin at subukan
Sapagkat kapahamakan lang ang iyong dinadala
Hindi lang sa aking kalusugan, pati na rin sa katinuan.
Paano ko tatapusin? Paano kita nakilala?
Ang alam ko lang, kailangan ko nang lumisan
Palayo sa mga usok mo at pinagsaluhang alaala
Palayo sa kahapong minsan nakapiling ka.
Paalam na..mahal kong Winston lights..

***i composed this sometime last year..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home