singkwenta, tag, kape atbp.
Guess what? Im an hour late from my shift, good thing Keith is in Bangkok or else, Im dead.
Flashback..10 minutes
Nakasakay ako sa dyip, kasalukuyang tinatahak ang tahimik na daan ng Alabang-Zapote Road. Oras? limang minuto makalipas ang alas dos ng umaga. Inabot ko yung bente pambayad sa driver, ako lang ang sakay sa likod, di ko alam kung bakit nagtanong pa rin yung driver ng dyip kung ilan. "Isa lang po dun sa bente dyan lang sa Northgate", sumbat ko. (Adik ka ba? kita mong isa lang ako.. Manong, kakagising ko lang, wag mo sirain araw ko). "Sukli", sabi nya sabay abot nung barya. Instinct na yata talaga na bilangin ko yung sukli, dalawang limang piso at dalawang piso. "Kulang po ng singkwenta yung sukli", gusto kong ihiyaw dun sa driver pero utak ko lang ang nakarinig. Gusto ko pang idagdag, "Manong, pag ako ba nagbayad ng 7 pesos lang, ok lang sa inyo?", pero di ko ginawa. Naisip ko kasi, baka kung ano pa mangyari, ako lang ang sakay (inuulit ko) at pasado alas-dos na ng madaling araw, mahirap na.. Bahala na, naisip ko, digital na ang karma ngayon, malakas ang signal. OO, singkwenta lang yun, ano ba naman kung kulang di ba?! Pero sana hindi unfair. Nagtatrabaho ako para tustusan lahat ng pangangailangan ko, minsan pati na rin luho, at para tumulong sa pamilya ko di para magbigay ng singkwentang sobra sa pamasaheng itinalaga ng gobyerno. Sige, baligtarin natin ang sitwasyon, ako yung nagbayad ng kulang ng singkwenta, ano sa tingin mo gagawin nung driver? Malamang, minura na ko nun o kaya pasigaw na sasabihin, "Kulang ng singkwenta yung bayad mo Miss" at lahat ng sakay sa dyip, sabay-sabay titingin sa yo, kulang na lang matunaw ka sa hiya. Hindi lang isang beses nangyari sa kin yun, marami na at ilang beses ko na rin pinalampas. Dati kasi nakipag-away na ko sa driver dahil di pa legal nun ang magtaas ng pamasahe, pero ang singil, sobra pa. Anong nangyari? wala..di rin nya binigay yung nararapat na sukli sa akin. Nakipagmatigasan..ok lang, naisip ko, karma. Isipin mo na lang kung pagsasamahin lahat ng singkwenta nasayang ko dahil sa mga pasaway na driver na yan at sasayangin pa. Lesson? Magbayad ng sakto!
Oras...kinse minutos makalipas ang alas dos ng madaling araw...
Pag-akyat ko sa 3rd floor ng building namin, wala yung mga teammates ko. Nakita ko si Migs nakatayo kausap yung isang MOD. At dahil late na nga ko, diretso ako sa pc para mag-time in, di ko muna tinanong si Migs kung nasan na ang mga kolokoy kong kasama. After 5 minutes, nalaman ko nasa baba lahat ng kasama ko, nasa 2nd floor, nandun sa MOD Station trying to get their tags for the station. I seemed lost, yun pala, may bagong policy. Not again...(parang de javu, my company is well known for coming up with "very good" policies, believe me..)
Bumaba ako ng second floor, nakipila sa mala-box office hit na kumpol ng mga agents dun sa MOD Station. Dahil may seating issues, naisip nila na magkaron ng tag ang bawat pc station para walang agents na gumagala at lumulusot na wala silang pc na pwedeng gamitin. At para mabantayan ang bilang ng mga computer at mga agents na pumapasok, nag-assign sila ng tag. Sorry ka na lang pag naubusan ka ng pwesto, isa kang certified squatter sa araw na yun. At kung minamalas-malas ka, pati sa mga susunod na araw, mahihiwalay ka sa piling ng team mo. Effective? daw..
Opinyon ko, problema lang dala ng mga tags na yan. Bakit? Imagine, every team, 10 stations lang ang assigned. We are currently, 27. Goodluck sa 17 na magiging squatters. Pakalat-kalat, paano kung napunta ka sa 2nd floor, yung team and supervisor mo, nasa 3rd floor? Goodluck kung may tumulong sa yo.. hassle pa yung bago ka mag-log in, dadaan ka sa MOD to claim your tag and then go back to deposit it kung lunch mo na, balik ulit pagkatpos ng lunch mo to claim your tag and then log back in the phone and then before you leave the office,deposit the tag back to the MOD Station and log out. Ano yun? Baggage counter? Ang talino talaga ng nakaisip..walang magawa..tsk tsk (matagal na kong hanga sa mga pakulo sa opisina namin. Well, they just proved their worth..with all sarcasm, of course)
Action: they can arrange call routing or schedules or set up new stations (that would take time; for now, they settle for what they just launched, assigning tags)
kape..kape..at kape pa rin..
Kung meron mang ibang liquid na dumadaloy sa mga ugat ko maliban sa dugo, kape yun. Pag late na ko (katulad ngayon) at di pa ko nakakain, kape ang almusal ko (dinner or lunch, depende sa shift). Pag antok na antok na ko, kape pa rin. Pag malamig sa office (which is always), kape pa rin. Hindi naman talaga ako mahilig uminom ng mainit na kape dati. Ngayon, bestfriend ko na ang vending machine na isang pindot ko lang, unlimited coffee ang handang ibigay sa akin. Kung sosyal ka at gusto mo ng caffe latte, magbayad ka ng sampung piso pero kung kuntento ka na sa kape na may asukal at gatas, pindot ka lang sa vending machine na nakakalat dito. Pwede rin yung walang gatas o walang asukal o pareho. Pero di pwede walang kape..lol
oras...alas diyes ng umaga
i just learned i lost my money..im so sad..

3 Comments:
thanks nathan..i tried doing it in tagalog instead of doing it in english.
about the money, its ok. money can be replaced, trust can't. i just feel bad because i know the person involved. i let it go, i should learn how to forgive.
Yup, you know, I ralized that the hardest thing to do is to 4give 100%. I think, it's always associated with trust. Once you mistrusted a person even once, the mark is already there, always ready to crack... Am I making sense? I'm "dying" while I'm doing this comment, so please pardon me nina...
Nathan Flame
Forgiven...you are, nathan (I sound like mAster Yoda, with interchanging words..lol)
Trust is very hard to build, but rebuilding it, takes a lot more effort than gaining it at first hand.
Lesson to everyone: Do good, don't break my trust.
Post a Comment
<< Home